Saturday, December 17, 2011

Qs and As with My Househusband: Ikaw Na! Stars



After meeting Eugene Domingo and the Agoncillo couple (Ryan and Juday) separately the past couple of weeks,  I was once again invited to cover the grand press con of My Househusband: Ikaw Na! which is OctoArts Film's entry to this year's Metro Manila Film Festival (MMFF) at Guilly's in Quezon City.


The stars of the movie made the afternoon really fun. Aside from the three main characters, also present were Rocco Nacino, who plays Judy Ann's brother in the movie; Shalala, who plays a bank manager; and Ellen Adarna, who plays a bank teller.

Here's sharing some of the highlights during the Q & A portion:

Q: After coming out recently in the cover of Sense & Style, are you willing to do more daring photo shoots like that?

Eugene: Sa totoo lang, kung meron man akong pagsusumikapan talaga, gagawin ko to have a partner ... sila [Juday at Ryan] talaga yung couple na gusto kong ma-achieve -- parang mag-barkada na mag-asawa na magkalaro. Lagi silang ready, very spontaneous, in other words. Actually, si Judy Ann Santos talaga ang peg ko sa show business, you can quote me on that.


Q: Sa My Househusband, third party ka dito. In reality, ok ba sa 'yo yung ganung concept?  

Eugene: Naku iha, hinde. Masamang maging third party kasi makakarma ka. At ang karma ngayon, digital! 'Di ba? (laughter) Ah, digicam ang tawag ngayon d'yan. Masamang makiapid, hindi maganda, minamalas. Kaya nga ang character ni Aida Capinpin dito ay nasampal ng bonggang-bongga ni Judy Ann! Hindi ko naman akalain ... Sinabi ko lang sa kanya, "Judy, sampalin mo ako, wag kang matakot ha." D'yos ko, dalawang sampal, ang lalakas! Isa dito, isa sa hindi ko maintindihan saan nanggaling! (Looking at Juday) Ang lakas mo palang manampal! Kaya 'wag kayong magkakamaling maging third party ... kasi ikamamatay ninyo ang sampal ni Judy Ann Santos!  

Q: Rocco, your role in this movie is like a confidante for Judy Ann. In real life, kapag may problema kang personal, who do you usually ask advice from?

Rocco: Usually my mom. Kasi I actually grew up being a mama's boy. She's always there for me. Whenever I want to ask about work, life, love life, s'ya yung una kong kinakausap. Looking up to her, being a breast cancer survivor, being a workaholic, I've seen how she does things. Feeling ko talaga, she's the perfect person to look up to.


Q: Saan mo maa-attribute yung success mo ngayon?

Eugene: Yung success, shempre, lagi mong ia-acknowledge ang Panginoon. Kahit na anong pagsusumikap, kung ang faith mo ay hindi buong-buo, hindi ka makakarating sa paroroonan mo. Number two, alam mong mayroon kang gift [kaya] you have to embrace it and acknowledge it. And you have the chance to study ... pag-aralan mo, i-develop, accept everything. Huwag kang mangiming tanggapin kahit maliit, malaki, 'ika nga there are no small roles. Basta mayroon kang chance na mapalawak ang iyong knowledge and experience, tanggapin mo lahat yan. At saka 'wag kang magmadali na marating ang karuruk-rurukan hangga't hindi pa naman talaga para sa iyo kasi you will end up competing with others and that will make you really frustrated. Just take your time, enjoy every moment, and your time will come.

Q: Is there a connection between your two previous movies (Kasal, Kasali, Kasalo and Sakal, Sakali, Saklolo) and My Househusband? 

Ryan: This is a totally different story. Although hindi maikakaila na maisip ng ibang tao na ito ang pangatlo[ng movie] lalo't andyan si Direk Joey and then us. Kumbaga yung unit na yun, naia-associate with the first two movies. That's why we're very careful to explain that it's not connected and it's a totally different movie. The characters are very different. When we did KKK and SSS, we did not know that we were coming up with a full-blown comedy. That's the magic of Joey Reyes' scripts. It's very intricately written and by the time it's edited, iba na yung lumalabas sa screen. What comes out is a gem. Even as actors, there's only so much that a director can tell you. Yung My Househusband, I think you'll be pleasantly surprised.


Q: What part of the movie is true in your life?

Rocco: Isa akong nursing student dito. In real life, I am a nurse and I have a sibling kaya ako ang tumatayong pangalawang naga-advice sa kanya kapag may problema s'ya. Sakto yung mga eksena [ko with Judy Ann] sa akin, I'm there to listen. I'm not madaldal, I'm more of a listener talaga. I like to listen dun sa mga sinasabi ng kausap ko so sakto yung character na binigay ni Direk Joey.

Eugene: Ang layo naman ng character ko sa totoong buhay. Ang sa akin lang, ang sarap palang magkaron ng best friend na lalake, na straight! Kasi konting-konti ang mga kaibigan kong straight. Sa totoo lang! Sa set, kapag kasama ko si Ryan, bago kami mag-shoot, nagkukuwentuhan kami. (Looks at Ryan) Straight ka naman 'di ba? (laughter) Sarap! So sana magkaroon pa ako ng ibang kaibigang straight na lalaki, yung walang malisya.

Ryan: Dito sa pelikula, si Rod, isa s'yang ama na 5'6" ang height at may asawa s'yang maganda so naka-relate ako. Pero bukod dun, in real life, may best friend talaga akong babae. Kasi totoo yun ... kapag totally platonic [ang relationship], walang kahit anong bahid ng malisya, eh maganda and sweet ang exchange ng tinginan. 

Juday: Siguro sa characters namin ni Ry, makaka-relate kami 10 years from now? Kapag malalaki na ang mga anak namin at nag-aaral na at nakikipag-debate na rin sa akin tungkol sa pag-aaral. Kasi ngayon, mga tsikiting pa, tumatakbo, nabobola mo pa, nasusubuan mo ng masasarap na pagkain. Susunod n'yan, ayaw na nilang kumain kasi gusto nila kasama na nila mga kaibigan nila. Totally different yung pelikula sa buhay naming mag-asawa. Kasi sa buong pelikula, hindi kami nagngitian masyado o nagbibiruan. Kasi kami ni Ry, para kaming magkabarkada and I think that's really important when you get married. It's to marry the person who can make you laugh, who will cry when you cry at the same time ... Importante din na magkaibigan kayo ang alam nyo saan pumapasok ang pagiging mag-asawa.


Q: What makes you trust Direk Joey Reyes and his vision for the film?

Ryan: His mastery of the middle class, yun ang benta sa akin at naiintindihan ng aking mga kaibigan at pamilya. Dun ako kumportable. Also, pag sinabi mong commercial yung film, you cater to something na parang hinihingi ng audience. Si Direk Joey, kaya n'yang ibigay ang gusto ng audience at higitan pa at ipasok yung kailangan ng audience.

Juday: Si Direk Joey, after doing 65 films already and getting awards, sino naman kami para hindi s'ya pagkatiwalaan? In fact, we are so honored, nagpapasalamat kami kasi palaging kami ang ina-ask n'ya sa mga pelikula n'ya. And it never fails. Sa pagkakataong ito, masarap gumawa ng pelikula with Direk Joey kasi it's always real life and alam mong nakaka-relate ang mga tao sa lahat ng aspeto ng pamumuhay, sa lahat ng klase ng edad, mare-reach n'ya at ang fan base ng pelikula, hanggang bata. Kahit panuorin mo ng paulit-ulit, kahit anong panahon, naiintindihan ng mga tao. Kahit panuorin s'ya ng mga anak namin in the future, one way or another, makaka-relate sila. Importante sa amin ngayon yan bilang mag-asawa kasi alam naming may naipararating kaming magandang mensahe sa mga tao with Direk Joey on our side.


Q: What's the message of this movie sa mga families ngayon or mga mag-asawa?

Juday: Gusto naming ipakita sa mga tao na walang masama sa pagiging househusband. As long as ang lalake na natitira sa bahay ay hindi lang andun sa bahay para mag-imbita ng barkada at magpalaki ng t'yan, umiinom, nagkakalat ... mabaho ang bahay, pati s'ya mabaho. Hindi dapat ganun. Kumbaga, mag-asawa kayo, magtutulungan kayo. Kaya nga kayo nagpakasal dahil partners kayo, 'di ba? Hindi pwedeng isa lang yung nagtatrabaho. Sa panahon ngayon, hindi naman pwedeng pangatawanan natin yung salitang padre de pamilya. Eh kung si padre eh walang trabaho, eh di tumirik na lang ang mga mata [ng pamilya] kakahintay ng pagkain, 'di ba? Pinaparating namin, sa panahon ngayon, walang masama kung sino ang nag-aakyat ng pera. Pero importante na may respeto kayo sa isa't-isa bilang lalaki at babae, as a husband and a wife. Importante na nagkakaintindihan kayo. Hindi na uso ngayon yung 'Lalaki ako, ako lang ang magtatrabaho,' kasi mahirap talagang maghanap ng trabaho ngayon. So sana, kapag napanood ng mga tao ang pelikulang ito, marami silang matututunan. Sana panoorin ninyong lahat.

My Househusband: Ikaw Na! will start showing in Philippine theaters on December 25

* Photos borrowed from Orange Magazine TV's Facebook album


No comments: